{"id":13237,"date":"2022-10-01T12:08:12","date_gmt":"2022-10-01T04:08:12","guid":{"rendered":"https:\/\/www.quezon.ph\/?page_id=13237"},"modified":"2022-10-01T12:08:24","modified_gmt":"2022-10-01T04:08:24","slug":"pagpapakilala%ef%bf%bc","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/www.quezon.ph\/books-2\/ang-mabuting-laban-ang-talambuhay-ni-manuel-l-quezon\/pagpapakilala%ef%bf%bc\/","title":{"rendered":"PAGPAPAKILALA"},"content":{"rendered":"
Tweet<\/a><\/div>\n

Ang Mabuting Laban, ni Manuel L. Quezon<\/p>\n

\u00a0<\/p>\n

PAGPAPAKILALA<\/strong><\/p>\n

(NOTA: Ang sumusunod na pagpapakilala ay ginawa ni Heneral MacArthur noong 1942 at ipinadala kay Presidente Quezon sa Washington.\u00a0 Si Presidente Quezon ay namatay noong Agosto 1, l944)<\/p>\n

\u00a0<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Isang karangalan para sa akin ang tumupad sa kahilingan ng may-akda ng aklat na ito na sulatin ko ang pagpapakilala. Ang ikinalulungkot ko lamang ay kailangang isagawa ko ito samantalang, dahilan sa kampanya militar, ay hindi ko ito mapag-ukulan ng sapat na panahong karapatdapat para sa kanya.\u00a0 Sapagka\u2019t ang aklat ni Presidente Quezon na malapit nang malathala, ay isang di mahahalagahang ambag sa pagpupunyagi sa pakikidigma ng kanyang bayan at gayon din ng Estados Unidos.\u00a0 Taglay nito ang isang pahatid ng isang bansang mapagmahal sa kalayaan na inihahagis doon sa mga nagtatangkang yumurak sa pinakamahalagang pamana sa tao, ang Kalayaan.<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Si Manuel L. Quezon ay pangulo ng komonwels sa Pilipinas.\u00a0 Makalawa siyang nailuklok sa mataas na tungkuling ito sa pamamagitan ng matahimik na paghalal\u00a0 ng bayang Pilipino. Subali\u2019t pag siya\u2019y nagsasalita, ay kaniya itong ginagawa, hindi bilang isa lamang opisyal na kinatawan ng kanyang bayan.\u00a0 Nagsasalita siya bilang kinikilalang lider ng isang lahi na nagtaas sa\u00a0 kanya sa kapangyarihan sa loob ng nagdaang dalawanpung taon. Dahil dito\u2019y sa pagsulat niya ng tungkol sa mga masisiglang araw ng pagkasakop ng Amerika sa Pilipinas, sa hitik na bunga ng walang katulad na patakaran ng Amerika sa pananakop, at sa pagdiin niya sa utang na loob ng kanyang bansa dahilan sa nagawa ng Amerika sa Pilipinas, ay para siyang gumagamit ng pinakamakamandag na sandata laban sa kaaway-isinasalaysay niya sa kasaysayan ng isang bansang pinakalooban ng Amerika ng panibagong pagsilang ng kalayaan sa isang pamamaraang walang kaparis sa kasaysayan ng pananakop.<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Buhat sa mga anin sa Korehidor, sa isang pahayag sa bayang Pilipino, ay sinabi niya: \u201cAng mataos na hangarin ng bayang Pilipino na magpatuloy sa pakikilaban sa piling ng Estados Unidos hanggang makamtan ang tagumpay ay hindi napanghina sa kahit ano mang paraan ng pangsamantalang pagkadaig sa ating sandata.\u00a0 Tayo\u2019y nananalig na sa katapusa\u2019y ang ating pagsusumakit ay puputungan ng tagumpay, at sa paniniwalang ito\u2019y magpapatuloy tayong lumaban sa ating kaaway ng buo nating lakas.\u201d\u00a0 Sapol sa mula ay ipinangako niya ang lubusang pagkamatapat sa Amerika.\u00a0 Sa ganang kanya ay walang kalahatiang\u00a0 hakbang, walang duwag na pakikipagtagpo sa gitna ng dalawang\u00a0 patakaran tungkol sa kapalaran ng\u00a0 bayan.<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Hindi lamang iisang manunulat na Amerikano ang nagpalagay na\u00a0 siya\u00a0 ay isa sa pinakadakilang nabuhay na dalubhasang pulitiko.\u00a0\u00a0 Sa\u00a0 kalawakan ng kanyang tanawin na hindi halos malirip\u00a0 ng\u00a0 kanyang kapwa-tao, ay kanyang nilikha sa kaunaunahang araw ng\u00a0 kanyang panunungkulan sa pagka Presidente ang pambansang palatuntunan sa pagtatanggol ng Pilipinas.\u00a0 Naipakilala na\u00a0 sa labanan ng hukbong naging bunga ng kanyang paghahanda sa darating ang katalinuhang lumikha nito at ang hukbong ito\u2019y nakagawa na ng\u00a0 walang kamatayang pagkatanyag.\u00a0 Ang kanyang pasiyang ipagpatuloy ang pakikilaban ay kasamahan ng una niyang\u00a0 pangitain.\u00a0 Ito\u2019y bumubukal sa iisang balon ng subok na katalinuhan at iisa rin ang magiging bunga. Ang kanyang buhay ay nakakasakop sa pinaka maluwalhating kalahating dantaon ng kasaysayan ng Pilipinas.\u00a0 Ang kanyang talambuhay ay kasaysayan,\u00a0 hindi lamang ng panahong iyon kundi ng Pilipinas bilang isang bansa makabago.\u00a0 Siya\u2019y nakihamok sa napakaraming labanan at nagtagumpay sa lahat ng ito. At kaypala\u2019y maari niyang sabihin, tulad ng isa sa tauhan sa tula ni Browning:<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 \u201cSapol akong mandirigma, kayat-isa pang labanan, Pinakamainam at pangwakas.\u201d<\/p>\n

\u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0 \u00a0Ngayon, siya\u2019y nakikilaban sa unahan ng kanyang bayan at sa piling ng Amerika, sa\u00a0 pinakamalaking labanan sa\u00a0 lahat \u2013 isang labanang hahatol marahil\u00a0 sa nasasakupan n maraming dantaon, sa kapalaran ng kanyang bansa.\u00a0 Hindi maaring hindi iya pagpapalain ng Diyos sa ganyang banal na simulain.<\/p>\n

\u00a0<\/p>\n

\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 Douglas MacArthur<\/p>\n

Hunyo 18, 1942<\/p>\n

Melbourne, Australia<\/p>\n