The Long View: Calabasa’s cocker derby

The Long View
Calabasa’s cocker derby
By Manuel L. Quezon III
Philippine Daily Inquirer
First Posted 00:10:00 10/15/2009

“Hoy Kapitan Calabasa! Sinong manok mo sa darating na sabungan?”

“Alam mo, scientific ako. Tinitingnan ko yung latest Sabungan Wishlist Survey para malaman ko san dapat ako tumaya.”

“Ganun ba? Eh ano ang latest?”

“Depende eh, kung ang batayan mo ay ang tanong ng SWS mismo”‘Banggitin niyo ang top three na manok na pinagpipilian ninyo'” mukhang llamado si Noymanok, at si Manny d’Tsiken. Nasa listahan ng 60% ng respondents si Noymanok at 37% si Manny d’Tsiken.”

“Eh anu naman ang ibig sabihin niyan?”

“Simple lang naman. Kung ang mga tataya ang tatanungin, sa tingin ng tatlo sa bawa’t limang tataya, llamado si Noymanok. Dalawa sa bawa’t limang tataya ay may balak tingnan si Manny d’Tsiken.”

“Eh pano naman ang manok ni Madam, si Gibongsisiw? Texas yan ha, maputi, makinis, at matalinong manok.”

“Si basang sisiw, este Gibongsisiw? Naku, dejado yan. Sinali lang siya ng 4% ng mga tataya. Sabagay, 400% increase na rin yan, kasi nung huling SWS .04 percent lang ang may balak na pagisipan kung tataya sila sa kaniya. Kaya sa 2022 Cocker Derby may tsansa na siya.”

“Asus, kung ganun parang nuisance manok sa ngayon. Eh yung ibang manok naman? Si Tandang Bigote, dating champ iyan ha.”

“Ah, 18% ang nagsabing kasali siya sa kanilang top three, pero pababa, dati 25%; si Rooster Keso, 15%, bumaba din, dati 20%.”

“Sa makatuwid, ang masasabi lang ng SWS survey ay kung sinong pinag-aaral o siniseryoso ng mga tataya at di naman kung san naman talaga sila tataya? Kumbaga, llamado sa sabungan sila Noymanok at Manny d’Tsiken, pero two-to-one ang lamang nung nangunguna sa pinakalapit na contender?”

“Oo, tinitipuhan talaga ng nakakarami si Noymanok. May nakita nga akong dagdag na tanong na isiningit ng mga Kristo at ganito yung labas: ‘Kung tataya ka na ngayon, sinong pipiliin mo?’ Ang resulta: Noymanok 51%, Manny d’Tsiken 20%, Tandang Bigote 11% at Rooster Keso 8%. Walang tataya sa sisiw ng Madam mo.”

“Eh survey lang naman yan eh. Ang tinitingnan ko, yung manok mismo. Dun mo malaman sinong llamado at sinong dejado.”

“, eh anong nakikita mo?”

“Simple lang yan. Alam mo, tuwing nakikita ko si Manny d’Tsiken, naiisip ko lang si Pandakebun, yung nanalo daw sa 2004 derby dahil nilagyan ng lason yung mga tare niya. Ang pagkakaiba lang naman nila ay wala namang nunal sa tuka si Manny d’Tsiken. Eh Susme! Pagod na ako sa mga iskandal.”

“Onga. Eh yung iba?”

“Si Tandang Bigote, ayan, medyo makunat na at alam mo ba, kinasuhan yan at na-convict ng pagtutuka sa mga bawal na bagay, eh buti na lang pinalaya na lang o kung hinde, champion tinola!”

“Eh si Rooster Keso?”

“Ngek. Hangang tilaok lang yan, parang di ngang pangsabong yan eh, parang lorong dakdak ng dakdak. Balang araw bigla na lang yang mangingitlog sa gitna ng sabong.”

“Ganun ba? Eh si Gibangsisiw?”

“Ah, yung basang sisiw ni Madam? Eh yun nga ang problema, si Madam din ang may-ari niyan at pare-pareho lang naman ang mga nakapaligid jan, kaya kung manalo yan eh tuloy lang ang ligaya para sa kanila. Eh de talo naman tayong lahat kung ganun.”

“Eh pano naman yang Noymanok na yan?”

“Aba, yan ang thoroughbred! Singkuwentang taon na akong sabungero ha, at tatlong beses pa lang akong nakakita ng ganitong manok. Nung 1953, kay Mambomanok, nung 1986 kay Corymanok, at ngayon kay Noymanok, llamadong-llamado, di man lang nagsisimula ang derby lumalambot na ang tuhod ng kalaban! Sarimanok na yan, padre. Legendary.”

“You two ha, Kapitan Calabasha! Congreshman Mando Rucut, no fork varrel for you!”

“Madam! Congressman and I were just-”

“Deshtabilishing my shabungan noh? But I don’t care. Nasha shabungero ang awa pero nasha krishto ang gawa. And I have the krishtosh on my shide, noh.”

“Excuse me, Madam?”

“You shee, I have comfuterished the betting shsyshtem, noh. My little Texash chicken will win, noh. Or if he doeshn’t win, do you think I will bet on jusht one chicken? Ashush.”

“But Madam what do you mean?”

“Eh shinshe the betting shyshtem ish now schientific, sho that even the betting and the actual fighting is schientifically determined by our comfuterished shyshtem, I win both waysh, noh. Take a look at thish fight – the krishto hash one finger fointing upwardsh. Oh, then betting ish?”

“In tens, Madam.”

“Very good. Some fork varrel for you. And now, hish finger ish fointing horishontally”;

“Hundreds, Madam.”

“Very good, Kapitan. And now, the fingersh fointing downwardsh”;

“Thousands, Madam.”

“Yesh. But did you shee the Talinomatique comfuterished betting and schcoring shyshtem?

“Aba Ma’am, instead of tens, it registered hundreds! And substituted tens of thousands for thousands and millions for thousands! But why?”

“Itsh modern firsht world shtatush schcoring and betting, you shee. And goesh both waysh and ash we know, comfutersh never lie. So I will win, whoever winsh, finanshially and in termsh of the champion being who I want.”

“But Madam, that’s” ; unsportsmanlike!”

“Where ish your proof? Prove it in the profer forum!”

“But Madam, you just said!”

“Did I? Congreshman, did I shay anything jusht now? Remember your fork barrel”;

“‘Padre, alam mo, Kapitan, that was Madam’s voice – but it wasn’t her saying it.”

“Sho you shee, Calabasha, here in Barangay Banshot, it’sh not who’sh llamado, it’sh who enjoysh the shupport of my machinery. Taposh na ang”;bokshing.”

Avatar
Manuel L. Quezon III.

6 thoughts on “The Long View: Calabasa’s cocker derby

  1. aT ME ALAS NAMAN TAYO……logro tayo kontra sa mga bumoTO sa HB 1109 ng na silat na CON ASS…at maglagay tayo ng maraming dejadista pag larga nila sabit sila…ksi tayo mag papapalit ng sistema bale wala ang manok nilang presidente…ating ministro ang magpapatakbo…kung madami tayong maihalal sa Kongreso…APRUB !!! KAYA KAMPANYA NA LABAN SA MAGA KONGRESISTA NILA AT PAKAWALANG PARTY LIST !!!!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.