The father of a friend sent the following to his colleagues at work. There’s great merit in his choices and his reasons for doing so. Make of the list what you will.
Mga kasamahan sa Trabaho,
Sa Lunes, ika 10 ng Mayo, tayong lahat na Pilipino na nasa wastong gulang ay gagampan sa ating tungkulin at responsibilidad bilang isang Pilipino sa pagpili ng magiging liderato ng ating bayan sa susunod na tatlo o anim na taon.
Itong tungkulin at responsibilidad na ito ay sadyang mahalaga para sa bawat pilipino sapagkat ito lamang ang pagkakataon na constitional na ang sambayanang Pilipino ay magdedesisyon ng patutunguhan ng Bayan sa mga susunod na taon. Itong election na ito ay doble sa kahalagahan dahil sa maraming crisis at problema na hinaharap ng ating bayan na tunay na malalaki at magulo. Mga problema ng ekonomiya ( budget deficits ) , terrorismo ( abu Sayaf ) at graft and corruption.
Dahil sa kahalahagan ng election na ito, lahat tayo ay dapat lamang na magubos ng panahon na isipin ang bawat boto na ating ibibigay sa bawat kandidato at siguruhin natin na ang ating iboboto as siyang karapat dapat na ating magiging pinuno o katulong ng pinuno sa pagharap ng mga problema at darating na problema ng ating bayan.
Matagal tagal na akong nagmamasid at nag iisip ng aking personal na pipiliin sa darating na halalan. Ngayon ay gusto kong imungkahi sa inyo and pagpili ng maga sumusunod na kandidato at ang aking mga dahilan.
1. President
Ako ay naniniwala na si Presidente Gloria Macapagal Arroyo pa rin and dapat na iboto sa pagka Presidente.
Ito and aking mga dahilan.
a. Ang partidong lakas at si Gloria lamang ang nagdeklara na sila ay mag papalit ng Gobyerno mula sa Presidential system papunta sa Parliamentary at Federalist system ng pamahalaan. Amg mga ibang partido ay hindi nagdeclara nito.
b. Ang kanyang kaalaman sa pamumuno ng pamahalaan ay higit sa kaalaman ng lahat na kandidato na may pagasang manalo.
c. Ang Isyu kay Gloria na corruption ay magagamot ng imbestigation ng Congreso, o impeachment o ng ombudsman o ng Supreme Court. Kung siya as talagang corrupt, siya ay madedemanda sa mga nabangit na paraan at siya as maalis sa pagka pangulo. Sa ngayon, walan pang mga ebidensya laban sa kanya. Ang walang kaalaman sa pamamalakad ng pamahalaan ay hindi magagamot ng ating constitution. Hindi sila puedeng idemanda sa kadahilanan na hindi sila marunong maging Presidente.
2. Vice Presidente
Ako ay naniniwala na si Hermie Aquino and karapat dapat na iboto na Bise Presidente.
Sa tatlong kandidato, siya lamang and handang gumanap sa papel na Bise Presidente. Siya lamang and my degree sa kolehiyo, may masters degree sa Business, naging Cabinet secretary kay Cory Aquino at Congressman ng Tarlac. Ang kanyang kalaban ay walang experience sa pamamahala ng kahit ano at mga kilala lamang bilang mga media personality.Sila ay naging mga Senador dahil lamang sa popularidad at hindi sa experience, kakayahan o kaalaman.
3. Senators
Marami sa ating mga kababayan ( pati na ang ibang Senador mismo) and hindi nakakalam ng papel o trabaho ng ating Senado. Sa kadahilanang ito, marami and nabobotong senador dahil lamang sa popularidad at hindi dahil sa kakayahan at kaalaman na makakapagunlad ng bayan.
Ano ba and tungkulin ng Senado. Nang Kongreso.
And principal na tungnkuling ng Senado at Kongreso ay magpalabas ng mga batas na tutugon sa mga pangangailangan ng bayan ngayon at para sa kinabukasan. Ang Kongreso as para sa maga batas na panglokal dahil sa and congressman ay siyang tumitingin sa bawat distrito ng pilipinas. Ang Senado as para sa mga batas na pang national dahil and interest ng mg Senador as pang buong bansa.
Ang mga batas na ilalabas ng Senado at Kongreso ay dapat na tutugon sa ating mga problema ngayon o mga problema na darating sa kinabukasan.
Dahil sa tungkuling ito, ang pinaka importanteng katangian ng isang kandidato para Senador ay ang kanyang kakayahan na magkaroon ng malayong pananaw at makapagisip ng mga solution sa problema. Kailangan ay katalinuhan para naiisip niya mga kadahilanan ng problema at and mga wastong tugon sa problema. Kailangan ay experiencia para hindi na maulit and mga mali ng nakaraan.
Itong nakarang Senado at Kongreso and pinaka “unproductive ” na senado at kongreso sa ating history. Bakit ko ito nasabi.
a. Hindi naipasa ng Senado at Kongreso and Budget for 2004. Ito as isa sa pinakamahalagan at pinaka basic na papel ng Senado at Kongreso pero pati dito as hindi nila nagawa. Ang ating gobyerno ngayon ay gumagamit ng budget nuong 2003. Malaking probabilidad na ito ay hindi na angkop para sa 2004.
b. Napakaraming imbestigation na ginawa ng senado na wala namang naging bunga na batas na ikabubuti ng ating bayan. Puro expose at priviledge speeches na wala namang katuturan at puro pamumulitika.
c. Sa bilang ng batas na naipasa, itong kongreso at senado na ito and pinakakaunti and nagawa.
d. Mayroon mga Senador na hindi unabis na nagsalita sa session ng senado sa nakaraang tatlong taon. Ibig sabihin as wala silang naikontribute sa ikabubuti nitong ating bayan sa look ng tatlong taon nilang pagiging senador. Ganoong napakalaki ng gastos ng bayan bawat isang senador. Ito ay umaabot sa 200 million pesos a year bawat senador.
Sa dami ng kumandidato sa pagka Senador at kung tayo as naniniwala na ang taong malayo and pananaw, matalino at may pagmamahal sa bayan and karapatdapat ibotong Senador, sino sino and ating dapat iboto.
Ang aking napili at mungkahi ko sa inyong iboto ay ang mga sumusunod.
Senator
1. Heherson Alvarez
2. Frank Chavez
3. Dick Gordon
4. Ernesto Herrera
5. Parouk Hussein
6. Fred Lim
7. Jamby Madrigal
8. Orlando Mercado
9. Nene Pimentel
10. Amina Rasul
11. Mar Roxas
12. Perfecto Yasay
Isa pang mungkahi. Kung kayo ay boboto sa mga posisyon na maraming tao and kailangan tulad ng senador, councilor, bokal at iba pa, mabuti na gawing ninyong alphabetical and inyong paglilista para madaling magcanvass and mga teachers at mapadali and bilangan.
Maraming Salamat.
FRD