It was only through Global Voices Online that I found out Bong Austero, who penned an open letter that’s been much-forwarded (sometimes even without his name), is a blogger.
Reading his blog was quite an experience. There are three entries that should be read by everyone, regardless of which side they’re on, not least because they give breadth and depth to the open letter that he says he never thought would achieve such a wide circulation (and probably, for that very reason: people could tell they weren’t crafted for any other purpose than to express the author’s feelings):
The demolition team becomes personal
All three entries are not just eloquently, but so honestly, written they remind me of something people have been chiding me about: the loss of civility in discussing the issues. I do not, and will not, regret a temper and biting words with regards to public figures, but perhaps that shouldn’t be the case with regards to private individuals, particularly in the blogs. Perhaps, but not always.
One thing, though: anyone should be able to say anything they like, for whatever side. When you try forcing people to shut up, you lose. Mr. Austero is speaking to his constituency, and obviously doing it well -and in a way no one can question. So read what he has to say.
It has been argued before that GMA should have let the impeachment process take its course. But history tells us that she did not. In so doing, she appeared to be masking the truth (an act done by somebody who is guilty).
Legal redress is a legitimate means of finding justice, but the courts can only act if a wrong has been done. Does this mean we wait for the government to trample on the legal rights of the opposition before we act?
The courts is not the only place where the opposition can find justice. Politics also has its part to play.
Jon Mariano,
We all know that some of the opposition were absent during the plenary voting. So the impeachment proceeding did not push through not just because of Mrs Arroyo alone. Both sides failed to make it work.
JCastro,
The legal court is also a good place for the accused to clear his name and prove his accuser wrong. And I would love to see our country positivie using it to make our country more peace, orderly, and progressive.
Hi Rego. I agree that it would take peace for development and progress to occur. It will take equilibrium in politics for businesses, investors, including micro-entrepreneurs, to feel safe. Who will dictate the terms of that peace? I don’t think we should leave the GMA administration alone in this. When the smoke has cleared, we will know what the terms of that peace is going to be.
maraming sumangayon kay bong dahil totoo ang sinasabi nya. ganun din ang naramdaman ko nung nabasa ko yung blog nya sa inq7. napakaraming tao na nagpupumilit na magmukhang makabayan, pero sa totoo lang wala naman ginagawa kundi ngumawa sa gobyerno. sawa na kami. yung mga tao na nakikita mong pasimuno sa rally e mga mayayaman yan. pag uwi ng mga yan e may mga katulong sa bahay yan na maghahain ng hapunan. tapos mahihiga sa malambot na kutson at silid na may aircon. akala nyo ba e iniisip nila yung mga mahihirap. ang ipinaglalaban ng mga yun e ang kayamanan nila, kung paano mapapadami, at pag maitumba yung yung gobyerno sila naman ang sasalakay sa kaban ng bayan. e yung mga mga masa na naiwan sa daan uuwi ng gutom…mabuti kung may uuwian pa. sawa na kami. magtrabaho na lang tayong lahat para umunlad ang pilipinas.
supermario, sawa na rin ako sa mga angal ng mga katulad ninyong nagbubulag-bulagan. mahirap man o hindi higit na nakakarami sa sambayanan ang naniniwala na malaki ang katiwaliang ginawa ni Gloria Arroyo. huwag ninyong asahang kaawaan ko kayo at wala akong masyadong pasensya sa mga taong puro na lang angal lalo na sa mga bagay na hindi naman dapat pag-ukulan ng angal.
Rego, the opposition never had the numbers. Even if those opposition members that were absent attended, they still wouldn’t have the numbers. As you can see the opposition’s stand for the next impeachment move they’re planning against Gloria Arroyo, they said that they’ll proceed once they get the 79 votes first.
On 93, rego wrote “Anytime a wrong doing is spotted, go to court right way!”
Unfortunately, it seems that this regime already owns the courts, or that the courts are deathly afraid of it. I hope I’m wrong, but consider these:
How come the Supreme Court is taking SUCH a long time in deciding petitions that question the legality/constitionality of several of GMA’s acts/orders? Such as:
FLAG’s petition questioning the constitutionality of the calibrated preemptive response (CPR) enforced against rallies and the “no permit, no rally” policy under Batas Pambansa Blg. 880.
http://www.pcij.org/blog/?p=445
IBP’s petition to declare EO 464 unconstitional.
http://www.manilastandardtoday.com/?page=news03_feb14_2006
http://news.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=66645&col=61
The Roque and Butuyan Law Office’s petition seeking to nullify House of Representatives’ junking of the impeachment complaint.
http://www.malaya.com.ph/sep24/news7.htm
http://www.pcij.org/blog/?p=409
Has the Supreme Court ruled on any of these yet? I believe we should also task the Supreme Court for the excessively lengthy (and suspicious) delays in the resolution of these cases.
Based on these previous cases, any chance that they’ll rule soon on the Proclamtion 1017 case? Or that case which was filed by media recently? It seems highly unlikely.
And worse, mukhang wala ng pakialam sa korte ang administrasyon ngayon. Right now, they ARE the law. Yung kay Rep. Beltran, he was illegally arrested, pero up to now naka-detain pa din, despite a release order from a QC court. Si Bolante pinatakas nila, kahit na pina-watchlist na ng senado sa immigration. Yung kay Rep. Baraquiel, I can’t believe that the police chief had the temerity to say that she wasn’t arrested but in fact was only secured for her own protection! Ganun na kalakas ang loob nila ngayon, they feel like they can say and do anything with utter impunity. Wala na talagang accountability, and all calls for such are just being simply ignored.
Four more years of this? Huwag naman tayo pumayag.
sige guluhin nyo ang bansa hanggang gusto nyo! freedom ang gusto nyo, tingnan ko lang pag nagtagumpay yung mga junta jan. baka pati blog nyo e masara. ang pinoy kasi gusto ng may aksyon parang pelikula ni fpj(sumalangit nawa+) at erap(ewan ko kung sa langit din sya). di ako magugulat kung si ka roger e maupo sa malakanyang, puno na ng komunista ang kongreso, pork barrel nila ang gamit ng kaliwa. magtrabaho na lang kayong lahat para umunlad ang bansa. akala nyo ba e malasakit sa inyo yang mga elitista na sumsama sa rally? puro pansarili lang ang gusto ng mga yan.
Here is my nitpicking on the so called middle class letters.
NOTE: Di malinaw yung organization nung paragraphs niya kaya brineak-down ko na lang at nag-quote ako from his divisions. Ni-recta ko na rin sa kanya yung mga argumento ko para mas kabit kung sakaling mai-forward sa kanya itong response ko.
Sana makiliti rin ang konsyensya niyo, hahaha!
Mula sa introductory paragraph niya: “Buwis (ng middle class) ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may gulo na nangyayari, (middle class) ang tinatamaan.”
Hindi lang buwis ng middle class ang nagpapatakbo sa bansang ito at agree ka naman siguro na hindi lang middle class ang tinatamaan pag may gulo. Mas matindi pa nga ang epekto ng kaguluhan para sa 70% ng mga mamamayan nating below the poverty threshold (70% kung independent at hindi government figures ang pagbabasehan)
Sa mga Pulitiko: “…sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.”
Malabong makunteto ang nangungurakot kasi alam nga niya na naproprotektahan siya ng patronage politics. Kung susuriin ng mabuti ang statement mong ito, isa nga sa mga matitinding dahilan kung bakit tayo patuloy na nagkakagulo ay dahil nga patuloy na nangungurakot ang mga pulitikong pinagsasabihan mong dapat makuntento na. Kung nakapaloob sila sa isang sistema na nagpapatunay na hindi nila kailangang tumigil kasi malabo naman silang mabobokya, eh bakit nga ba? At kaya di sila tumitigil ay hindi dahil hindi sila namamatay pero dahil ang sistemang pinaiiral nila ay pinapasa at ipinamamana rin lang nila sa mga susunod na henerasyon ng mga miseducated Filipinos na patuloy pa ring mag-iisip na ganun na talaga ang kalakaran dito sa bansang ito.
At isa pa, hindi sila lahat kurakot, pero by your standards, mukhang masama rin siguro ang impresyon mo sa mga di-kurakot bastat kasama sila sa mga maiingay na bulag ang isip, haha.
Sa Administrasyon: “…pinatawad na namin ang pandaraya…pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo…”
Tinatanggap mo rin pala na nandaya si Gloria Macapagal-Arroyo sa eleksyon. Hanggang ganun na lang ba yun? Hindi ito simpleng pandaraya lang na katulad ng kulang na sukli sa tindahan o pamemeke ng edad ng anak mo para makasali siya sa Friendster. NATIONAL ang scope ng pandaraya na ito at sa pagka-PRESIDENTE ng PILIPINAS ang isyu! So, para sa iyo, ang isang taong nang-goyo at nang-ulol na lang ng ganun sa dangal at tiwala ng sambayanan para manalo sa eleksyon ay babawi na lang sa atin through good and honest governance? Chong, ikaw rin pala bulag ang pag-iisip.
Pero wag kang mabahala, patatawarin pa rin naman kita, di ko lang nga palalampasin ang pagkakalat mo ng mga ideya na lalo lang nakatutulong na manatili sa kapangyarihan ang mga sinungaling at kurakot na opisyal na pinatawad mo.
Sa Administrasyon pa rin: “…i-announce mo (GMA) mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sa yo.”
Mukhang sinasabi mo ata na ang pulso ng bayan ay resounding NO kay GMA kaya “resounding YES” ang isasagot nila sa pagkakataon na hinayag mo. Kung ganun na pala ang sitwasyon at negatibo na talaga ang pagtingin ng nakararami sa kasalukuyang administrasyon, bakit ka pa nagtataka at naiirita sa patuloy na pag-angal at pag-protesta ng mga maiingay na bulag ang isipan na katulad namin na kasama (by your logic) sa “resounding” majority?
Sa Oposisyon: “…dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo…bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter…”
Sa dakong ito, eh nakaka-awa ka na, chong. Kasama ako sa EDSA 1 at 2, at kasama ako sa hanay ng mga pinagpipitaganan mong middle class. Dun sa pangalawang EDSA sumugod pa kami papuntang Malacanang kasi hindi naman kami tumulong patalsikin si Erap para ipalit lang ang pinatawad mong mandaraya na si Gloria Macapagal-Arroyo. Ang palpak sa argumento mong ito ay nag-generalize ka. Napaka-unfair at condescending ng statement mo sa mga libu-libong kasama namin na whether may mga kaya o wala, tunay at sinsero pa rin ang naging hangaring mabago ang sistemang pampulitika dito sa bansa nung mga panahon na iyon.
Sa Oposisyon pa rin: “…paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.”
Isa na siguro ito sa mga pinakanakakatuwang dahilan para panatiliin ang pinatawad mong si Gloria Macapagal-Arroyo sa kapangyarihan. Para sa iyo, dinaya niya tayo sa eleksiyon, kabahagi siya ng sistemang pulitikang patuloy na nagpapa-iral ng patronage politics at corruption, at “resounding YES” ang isasagot ng sambayanan sa plebisito basta’t mag-step down siya. IN SPITE OF ALL THESE ARGUMENTS TO THE CONTRARY, YOU BELIEVE THAT KEEPING HER IN POWER AT THIS TIME IS STILL THE COUNTRY’S BETTER OPTION?!?
Mas may integridad at katapatan pa ang aso ko sa kanya! Ibig mong sabihin wala nang ibang Pilipinong mas may integridad at katapatan pa na pwedeng pumalit sa sinungaling at kurakot na “presidente” na pinatawad mo? Akong bulag ang pag-iisip may nakikita. Ikaw WALA? Kung wala, kawawa ka naman kasi mukhang di ka bulag – nagbubulag-bulagan na lang.
Sa Oposisyon pa rin: “Advise lang galing sa isang middle class na syang tunay na pwersa sa likod ng matagumpay na People Power…”
Muli, kaawa-awa ang pananaw mong ito kasi hindi siya bagay sa diwa ng nilahukan mong People Power. Malaki ang naitulong ng LAHAT NG SEKTOR – HINDI LANG NG MIDDLE CLASS. ELITISTA ang dating ng argumento mong ito.
Besides, bakit ba patuloy pa rin tayong napapako in spite of having already ousted two ignoble presidents? Simple lang: EDSA 1 and 2 never really gave the power back to the people. Both events simply paved the way for new leaders who were/are primarily cut from the same opportunistic cloth as their predecessors in the sense that their collective sympathy has never really been for the starving, disenfranchised masses – it was and still is with the social, economic, and political elite. Sa madaling sabi, hindi nabago ang maling sistema, nabago lang ang mga taong patuloy na nagpapatakbo nito.
Sa Oposisyon (huli na): “Kung gusto niyo tagumpay na People Power (middle class) ang isama nyo…pero pagod na kami e, sori ha.”
Ang kasaysayan ng Pilipinas, mula pa nung panahon nina Bonifacio at Aguinaldo, ay puno na ng mga “pagbabago sa sistema” na nilunsad pero hindi na tuluyang nasundutan. Tulad na lang ng kinahinatnan nung 1896 Revolution, pagkatapos gamitin ng mga mga middle class/elitista sa kampo ni Aguinaldo ang lakas ng masang Pilipino, binitin naman ang mga walang malay na Indio sa ere habang nag-balimbingan sa hanay ng kalaban ang kanilang liderato.
Ang mga “People Power” na pinagmamalaki mong nagtagumpay dahil sa mga katulad mo ay siya ring pinabayaan ng mga katulad mo kasi hindi rin siguro nakita ng mga katulad mo (o baka nakita naman pero nagbulag-bulagan at nagpatawad na lang kaliwa’t kanan) ang pagkakamali na ipaubaya sa kamay ng bagong hanay ng mga lumang klaseng pinuno ang pagpapatakbo sa bansa habang nasa kritikal na kundisyon pa ito.
DAPAT PINAGPATULOY MO PA RIN YUNG LABAN KASI HINDI PA SIYA TAPOS. Sa mga katulad mo siguro na may ari-arian, pamilya, at trabaho na babalikan, quits na – pwede ka nang maghintay na lang ulit sa susunod na di na matitiis na pambabarubal na gagawin ng gobyerno sa middle class. Pero sa higit na mas nakararami mong mga kababayan na sagad sa kawalan, nagpatuloy pa rin ang kawalan nila ng mga oportunidad at options kasi hindi naman sila tunay na ginantihan ng good and honest governance ng mga tinulungan nilang maluklok sa pwesto!
Ang sagot tuloy sa angal mo, kaya marami pa rin kaming nag-iingay ngayon kasi ang mga “matagumpay” na mga People Power na ni-resbakan ng mga middle class corporate officers na katulad mo ay hindi nagdulot ng tunay na pagbabago kasi, sa tema ng mga argumento mo, MUKHANG KASAMA KA SA MGA NAGPABAYA SA MGA PAGBABAGONG NAGING RESULTA NG MGA PROTESTANG AYON SA IYO AY IPINAGTAGUMPAY NG URI NINYO.
Ang naunang People Power na nilahukan mo ay maaaring bansagang “culminating activity” na lang para sa mga tunay na nakibaka at nag-BUWIS (one of your favorite words) ng DUGO at BUHAY nung mga panahon na tunay na nakakatakot mag-ingay laban sa gobyerno. Maaaring mong sabihin na kasama ka sa “end game” pero `wag na `wag mong ipagmamalaki’t ipangangalandakan na ikaw at ang mga katulad mo ang tunay na pwersa sa likod ng tagumpay ng People Power.
Patawarin mo na lang ako ulit, pero WALANG PAKUNDANGANG KAKAPALAN NG MUKHA ang tawag diyan.
Sa Military: “…dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang.”
Marami pa sana akong isusulat pero masyado nang mahaba ito at nailahad ko na naman ang mga pangunahing punto ko kaya iiklian ko na lang ang sagot ko dito:
NAU-ULOL KA NA! Magpasalamat ka at nag-isip at nagtanong ang mga sundalo nung panahon na nasa EDSA ka kundi baka di mo na nae-enjoy ang middle class corporate officer lifestyle mo ngayon, hahaha!
Sorry, natawag kitang ulol. Alam ko namang patatawarin mo pa rin ako.
“Walang libreng kalayaan. Ito’y pinagbabayaran.”
(Sayaw Sa Bubog -The Jerks)
Signed:
Eric Regalado “Cabring” Cabrera
Dating Iskolar ng Bayan na ngayo’y titser sa high school at kolehiyo, nagkakandarapang entrepreneur, pursigidong manunulat, galit na bokalista ng bandang Datu’s Tribe, at isang naghihikahos na Lower-Middle Class Pinoy na naniniwala na mas masahol pa sa bulag mag-isip ang taong nagbubulag-bulagan na lang.
TSK TSK TSK.
Dame epal.. manahimik na lang! mga pakeelamero! nag bubulag bulagan bingi bingihan kayo! ito singkwenta.. pambili ng cotton buds at eye mo
to those who are protesting..look at the people around you..count your numbers. Its very obvious you don’t represent the whole filipinos.
You are just the noisy few who don’t respect the democratic process. There is no end to this if these attitude is not corrected. Enough of this intellectual pretensions!
obviously, those shitty oppositions are out numbered and their arms are sky high to defend themselves.
numbers (survey’s) are meaningless to me and they can be easily fabricated. Yet when you jump in a community you can all feel those sentiments that they’re not against with the current government.
These people (oppositions) are like an empty can. Maingay pero walang laman. People like me who are silent. Di maingay pero MERONG laman. Now that someone has _PERFECTLY_ pin point what these “silent majority” was longing to say.
Sorry mate,
Its _OUR_ time.
I do not speak on behalf of people who hasn’t spoken yet. But I know for a fact and I can definitely sense it that many of these people have the same sentiments as I do.
So please, step back. Look at the _REAL_ problem. Its a simple analogy.
Pag may kanin ka sa mukha, malalaman mo bang may kanin ka? unless someone tells you who is away from you. Well I’m one of those. I may be overseas, but yet I’m constantly see/update myself with our beloved country’s problem and then later on I realise.
Teka… tama nga si Mc Arthur, there are times you _HAVE_ to _RETREAT_ to solve/see the detailed birds eye view of the problem.
why the anger? Bong Austero is just expressing himself. If that letter is a piece of crap like what some peeps are portraying it to be, then why is it wildly popular? The way some reactions here are, I won’t be surprised if they drag some shrink and ask him to identify whether there was some subliminal coercion hidden between his lines.
I got news for you, that blog reflected my view, my sentiment, my friends’, my family’s. Call us shallow-minded, i don’t care. Of all the intelectual pep talk here, I haven’t seen any argument better than the one’s laid out by Mr. Austero. I have seen a ridiculous post here about how comment moderation would explain the positive responses on Mr. Austero’s blog. To the one who posted it: Please go to the Inq7.net’s Inq7@5 and see for yourself the Letter peppered with positive feedbacks. And yes, you are free to brand the Inquirer under Bong’s pay, too, or Gloria’s for that matter.
Expose Yourself!
That’s what you need to do, if you want to maximize the traffic
to your website. You need to expose yourself to as many pairs of
eyes as you possibly can.
Hei! luogo che interessante avete fatto, ben cotto!
Leggo ed imparo sul vostro luogo. grazie!
Buon luogo piacevole senza qualsiasi cosa dispari, ben progettata!